TANIKALA
Tumutulay ka sa linya ng buhay,
Walang takot sa manipis na hiblang nag-uugnay
Sa kahangalan at katotohanan.
Ang dikta ba ng puso’y kailangang piliin kahit may masaktan?
Hindi mo alintanang gumuguhit ka
Sa isang kamalayang ang itinadhana’y tanikala
Batid mong walang kalayaan ang espiritung
Naglalandas lamang sa agos ng guniguni ---
Nakikiramdam,
Sumasabay sa galaw ng aninong
Walang hugis, walang anyo
Kahit sa liwanag.
Kumirot man ang puso sa ngayo’y
Mawawala rin ang sakit.
Sa pag-ikot ng buhay
Sana’y humulagpos ang bigkis ng tanikalang
Ayaw paawat sa hungkag na damdamin.
Sunday, July 17, 2005
"dork", tamed, wacky, flirty, "kikay" or just plainly manifesting seasonal affective disorder (SAD).... anything goes!!!
Previous Posts

1 Comments:
Isang damdamin na pilit nagpupumiglas sa gapos ng tadhana... ngunit walang magawa.
Nagtatalo ang isip at damdamin
humahanap ng sagot...ngunit walang makita
Di kaya sadyang ipiniring ang mata upang higit na umiral ang nararamdaman kaysa manatili sa katotohanan?
Tulad nga ng isang dahon na nagpapadulaslas sa hangin... ninanamnam ang kalayaan!
Ngunit san pa man marating
ang kalayaang natamo..na mula sa hangin ay babalik at babalik ang dahon sa lupa... Yun ang katotohanan!
Post a Comment
<< Home